Minamahal kong Kamera,

Canon Powershot SX200 IS,

Kamusta ka na? Ako ay lubos na ngungulila sa iyo. Sana nagtatago ka lang at binibiro mo lang ako at lalabas at magpapakita ka din sa mga susunod na mga araw. Sana hindi ka sumama sa iba at tuluyan akong iniwanan. Paano na ng mga hindi matatawarang mga karanasan na magkasama nating nilikha? Paano na ang pangarap nating Maroon 5 concert na matagal nating pinagplanuhan? Paano na ang mga darating pang mga karanasan na ikaw lang ang makakapagtala? Hindi ko na sana nanaisin pang ipagpalit ka sa iba dahil napatunayan mo na ikaw na talaga ang nararapat sa akin. Salamat sa pagpapakita ng mga bagay-bagay na hindi ko makikita nang ako lamang mag-isa. Dahil sa iyo unti-unti akong natuto na makita ang mundo sa iba’t-ibang anggulo. Kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka at nasa mabuti kang kalagayan. Kung nanaisin mo mang bumalik, huwag kang mag-dadalawang isip dahil tatanggapin kita ng buong puso.

Nagmamahal,

Essy

Advertisements