Minamahal kong Kamera,

Canon Powershot SX200 IS,

Kamusta ka na? Ako ay lubos na ngungulila sa iyo. Sana nagtatago ka lang at binibiro mo lang ako at lalabas at magpapakita ka din sa mga susunod na mga araw. Sana hindi ka sumama sa iba at tuluyan akong iniwanan. Paano na ng mga hindi matatawarang mga karanasan na magkasama nating nilikha? Paano na ang pangarap nating Maroon 5 concert na matagal nating pinagplanuhan? Paano na ang mga darating pang mga karanasan na ikaw lang ang makakapagtala? Hindi ko na sana nanaisin pang ipagpalit ka sa iba dahil napatunayan mo na ikaw na talaga ang nararapat sa akin. Salamat sa pagpapakita ng mga bagay-bagay na hindi ko makikita nang ako lamang mag-isa. Dahil sa iyo unti-unti akong natuto na makita ang mundo sa iba’t-ibang anggulo. Kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka at nasa mabuti kang kalagayan. Kung nanaisin mo mang bumalik, huwag kang mag-dadalawang isip dahil tatanggapin kita ng buong puso.

Nagmamahal,

Essy

Advertisements

7 thoughts on “Minamahal kong Kamera,

  1. Ang Maroon 5 concert! Haha. Kung nagtatago man yang camera mo, matutuwa ka ba kung bigla nalang sya susulpot ng hatinggabe at pipicturan ka? Kasama si Lotus Feet. Haha.

  2. aba. ang mahal niyan ah. humihirap na tlg ang buhay ang daming nawawalan.
    mejo gumaan ang pakiramdam ko dahil wallet at P200 lng nwla sken.

    hi essy! bagong bisita ako d2… hamo lilipas din yan. makakabili ka ulet ng bago..
    😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s