Leptocorisa oratorius

AKA Rice bug kaya lang nasa sorghum panicle. Thanks sa aking friend na si @mecuangelo for identifying this one. 🙂

Advertisements

Cattleya ni Mamita

Bukod sa pagdidiskita ni Mamita sa mga hayop, adik din siya sa mga orchids. No joke. Kasehodang gumastos siya ng bunggang bungga basta lang makabili siya ng pandagdag sa kanyang collection. Isa ito sa part ng kanyang collection at wala siyang sinabi buong weekend kung gaano kaganda ang kanyang Cattleya.

Tutubi sa M. vaginalis

Isa na sa parte nang araw ko ang makakila nang ganito dahil malapit kami sa bundok at dahil sa palayan ako nagtratrabaho. And tuttubi ay isa sa mga maituturing na beneficial insect sa ating ecosystem samantalang ang dinadapuan naman nyang halaman (Monochoria vaginalis) ay maituturing na weed sa rice ecosystem.  Common joke sa mga agriculturista ang scientific name ng weed na ito, kasi oo mukha shang puki! Hihihihi!

Millionaire’s Flapjacks

Sikat na “sweets” daw ito sa UK. Bi-nake ito nung bisita naming Briton nung birthday nya. Kung mahilig ka sa matatamis na katulad ko, swak na swak sa panlasa mo ito. May tsokolate, caramel (parang yema) at yung bread nya sa ilalim. Kayalang pagkatapos kong kumain nito (naka tatlo ako) ansakit sa ulo hindi ko alam kung sa sobrang tamis ba na yung huling subo ko eh nilunod ko na sa isang basong tubig. Anyway, kasama ito sa plano kong kasunod na lutuin, kailangan ko lang nga mga titikim. Hihihi! 🙂