Day 007. Piggy-Piggy, Oink-Oink

Isa ito sa latest addition sa ANIMAL FARM NI MAMITA. Siya si Oink-Oink, may asawa siya si Piggy pero camera shy siya. Bukod sa kay Piggy at Oink-Oink na pot-belly pig meron din si Mamitang dalawang landraces pero hindi na niya pinangalanan yun dahil ibebenta din naman daw nya. Napapaisip ako, ano na kayang next pet ni Mamita? Baka sa susunod may elepante na kami! 🙂

Advertisements

Day 006. No Fishing Allowed

Ito ang bumubgad sa mga residente ng kiung saan mang lupalop ng Laguna. Tinatayang mapanganib ang lugar dahil sa napapansing paglalim at paglawak ng sinasabing lugar. Napabalita na may muntikan ng malunod sa nasabing lugar dahil sa kamamadali noong kasagsagan noong nakaraang bagyo. Marami na din ang nahuling nangingisda dito kaya’t nagpasya na ang baranggay na gumawa ng hakbang upang maiwasan ang hindi kaaya-ayang mga pangyayari. Bawal nang mamingwit sa nasabing lugar ngunit maaring magpalaba sa kabilang ibayo.

Ito po ang inyong bayan patroller nag-uulat.

Day 003. Pencil and Me

I’m more of a pencil than pen person at Mongol Pencil No. 2 ang aking peyborit. May  good at bad moments kami ng lapis . Una ginaganahan ako magsulat kapag lapis ang gamit ko. Ang smooth smooth nyang isulat at hindi madumi kapag buburahin. Nasaksak ko na din accidentally ng lapis ang kamay ko na hanggang ngayon ay makikita mo pa yung naiwan na lead. Tinawag din akong “Mongol/Mongoloid” ng mga napakababait kong kaklase noon dahil sa surname ko.

May research notebook kami sa office na kailangang sulatan ng lahat ng activities and experiments. Ang unang requirement ay: Always record entries legibly, neatly and in PERMANENT INK. Syempre nag panic ang lola nyo, unang una hindi gaanong kagandahan ang penmanship ng inyong abang lingkod at isa pa mas madalas pa sa pagkain ang pagbura ko kapag nagsusulat (oo maraming beses ako kumain sa isang araw). Kaya ang ginawa ko may isang notebook ako na ginagamit for everyday use gamit ang aking ever loyal at reliable na lapis at magre-rewrite na lang pag maayos na ng data sa official research notebook. OO ganyan ako ka-attached sa lapis. No1curr.