UPLB Library

Image

Ito ang aklatan ng aking pinakamamahal na alma mater. Masasabi kong mas madalas ako sa labas nito kaysa sa loob (dahil muntik na kong makulong dahil nakatulog ako sa third floor). Ito ang paborito naming lugar para mag-group study (kuno) at lugar kung saan ang mga medyo banal na mga estudyante ay nag-bi- bible study. Dito din ang lugar lampungan ng mga mapupusok na mga estudyante. Haaays memories.